Na-reject ang GCash account verification ko. Anong dapat kong gawin?
Kung na-reject ang account verification mo, panoorin ang video sa ibaba para alamin kung ano ang common reasons ng verification errors at kung paano maayos ito:
Kung nakatanggap ka ng SMS notification na hindi successful o rejected ang GCash verification, tignan ang message para alamin kung bakit. Ito ang ilan sa mga posibleng naging dahilan at mga pwede mong gawin sa susunod:
Hindi ma-verify nang maayos ang sinubmit mong photo dahil ang selfie scan na kinuha ay:
- Blurred: Siguraduhing malinaw ang photo
- Too Dark: Mag-scan kung saan may maayos na ilaw
- Obstructed: Siguraduhing kita ang buong mukha at hindi ito natatakpan
Mga Tips Para sa Successful Selfie Scan:
- Lighting: Kunin ang photo sa maaliwalas na area
- Visibility: Siguraduhing kita ang buong mukha
- Background: Iwasan na may ibang tao sa background
- Attire: Magsuot ng shirt o top sa selfie scan
Pwede mong i-submit ulit ang verification sa app sa loob ng 10 days. Kapag lampas na dito, kailangan mong simulan ulit ang buong verification process.
Kung na-submit mo na pero wala pa ring update, click here to ask for help.
Ibig sabihin nito ay may problema sa quality ng ID mo, o hindi nag-match ang GCash information sa ID na sinubmit mo.
Mga Tips Para sa Successful ID Submission:
- Original & Valid ID: Gamitin ang mismong ID, hindi ang photocopy/xerox/scanned na copy. Siguraduhin na isa ito sa mga tinatanggap na ID at HINDI ito expired
- Details should match: Ang mga info na nakalagay sa ID mo ay dapat EXACT MATCH sa info na nilagay mo sa iyong GCash app
- Good Lighting: Kumuha ng photo sa maliwanag na lugar
- Fully Visible: Siguraduhin na buong ID ang nakuhanan ng photo at hindi ito naputol
- Clear: Siguraduhin na hindi blurred ang ID at ang mga detalye dito
- Orientation: Kuhanan ang ID sa tamang angulo
Pwede mong i-submit ulit ang verification sa app sa loob ng 10 days. Kapag lampas na dito, kailangan mong simulan ulit ang buong verification process.
Kung na-submit mo na pero wala pa ring update, click here to ask for help.
Kung nag-fail ang GCash account verification mo dahil hindi ka nakapag-submit ng additional documents sa loob ng 10 araw, ito ang pwede mong gawin:
- Buksan ang GCash app > Profile
- Pindutin ang Verify Now para masimulan muli ang proseso
- Kung hinihingan ka ng additional documents, siguraduhin na maipasa ito sa loob ng 10 araw mula sa application date
- Pagkatapos mong mag-submit, maghintay ng 4 working days para ma-review ng GCash ang iyong mga documents
Posibleng na-reject ang GCash verification application mo dahil hindi ito pumasa sa internal policy requirements namin. Ang mga policies na ito ay nandito para siguraduhin ang safety at compliance ng lahat ng GCash accounts.
Kung tingin mo ay nagkamali at may valid kang proof o may gusto kang i-clarify tungkol dito, mag-file ng ticket dito para ma-review namin ulit.
Mag-file lang ng ticket kung:
- Natapos mo ang verification process at nakatanggap ka ng SMS
- Tama at valid ang info na sinubmit mo
Para masigurado na successful ang verification mo, sundan ang tips na nabanggit at subukan muli sa pagpunta sa GCash app > Profile > Verify Now.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: