Nawala ang phone o SIM ko kung saan naka-register ang GCash account ko. Anong dapat kong gawin?
Kung nawala ang SIM o phone mo kung saan naka-register ang GCash account, panoorin ang video at sundan ang mga steps sa ibaba:
I-report ang nawawalang SIM o phone para ma-secure ang funds
Click here to ask for help para i-report ang pagkawala nito. Pansamantalang magiging blocked ang GCash account mo para sa iyong security.
Kapag na-block ang account mo, hindi ka makakapag-log in habang naka-secure ito.
Tandaan ang ticket number galing sa customer service representative para sa mas mabilis na pag-access ng account kapag for unblocking na ito.
Anong pwedeng gawin pagkatapos mag-report?
Pwede kang mag-request ng bagong SIM na may parehong number mula sa telecom provider mo o bumili ng bagong SIM na may ibang number.
Kung gusto mong gamitin ang parehong number:
Para sa SMART at TNT users:
- Pumunta sa store.
- Magdala ng isang valid ID bilang proof of identity. Dapat kasama dito ang pangalan mo, photo, ID number, pirma, at issuing entity.
Para sa Globe users:
- Pumunta sa store.
- Magdala ng mga sumusunod na documents:
- Para sa Postpaid: Isang original Government-issued ID.
- Para sa Prepaid: Notarized Affidavit of Loss (standard) na naglalaman ng mga sumusunod: Customer name, citizenship, address, customer signature, mobile number, at incident details (paano, bakit, kailan, at saan nawala ang phone o SIM)
- Dalawang original Government-issued IDs na ipinakita during affidavit notarization.
Para sa GOMO users:
- Ihanda ang mga sumusunod: notarized affidavit of loss, selfie ng owner kasama ang affidavit of loss, at 2 valid IDs.
- Mag-submit ng requirements sa GOMO via email. Pwede mong tingnan ang updated email address ng network provider mo.
Para sa DITO users:
- Pumunta sa store.
- Dalhin ang sumusunod na documents: notarized affidavit of loss at isang government-issued ID.
Once available na ang replacement SIM mo, kumuha ng photo ng mga sumusunod: isang accepted valid government ID, at isang malinaw na photo ng sarili na hawak ang valid ID mo. Access email mo at ilagay ang 8-digit reference number na ibinigay noong nag-request ka ng account blocking. Mag-request ng unblocking ng iyong account at i-upload ang ID at selfie kasama ang ID sa email. Hintayin ang email reply regarding sa account status mo within 48 hours.
Kapag gusto mong gumamit ng bagong number:
Siguraduhing Fully Verified ang new number mo.
Pwede kang mag-request na i-transfer ang funds mula sa old number mo papunta sa new number. Tandaan na ang mga sumusunod na products lang ang maipalilipat mula sa old account mo:
- Lending (GGives, GCredit, GLoan)
- GSave
- GInvest
- GCrypto
- GFunds
Kailangan mong mag-submit ng mga sumusunod na documents:
- Photo ng isa (1) valid government-issued ID (link out to acceptable IDs)
- Selfie kasamang valid ID
- Kung hindi fully verified ang luma mong number, kailangan mo ring kumuha ng notarized affidavit of loss.
Mga steps para ma-process ang transfer ng funds at services sa new number mo:
- Ihanda ang photo ng valid ID, selfie, at notarized affidavit of loss (required lang ang affidavit kung Basic GCash account ang luma mong number) para sa submission.
- I-access ang e-mail mo at hanapin ang GCash reference number na na-generate nung nag-request ka ng blocking ng account mo
- I-reply ang e-mail gamit ang mga documents mo, at ang mobile number kung saan mo gustong i-transfer ang funds at services.
Hintayin ang update mula sa GCash Support Team sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: