Paano gumawa ng bagong GCash account?
Pwede mong i-download ang GCash app at gumawa ng GCash account sa loob lang ng ilang minuto. Available ang GCash para sa mga sumusunod:
- GCash para sa mga Pilipinong nasa Pilipinas na may edad na 18+ na may PH SIM
- GCash Jr para sara sa mga Pilipino o Foreign Nationals na edad 7-17 na may PH SIM
- GCash Overseas para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na may International SIM
Paalala: Hindi pa available ang GCash para sa mga Foreign Nationals na may international SIM.
Paano gumawa ng GCash account
Siguraduhing registered sa Philippine network ang SIM card (Globe, TM, Talk N Text, Smart, SUN, o DITO).
Sundan ang mga steps na ito para makagawa ng GCash account:
- I-search ang GCash sa Google Play Store o App Store at i-download ito for FREE
- Buksan ang GCash app at ilagay ang mobile number. I-click ang Next
- Ilagay ang 6-digit authentication code sent sa mobile number mo. I-click ang Submit
- Piliin ang New Account, ilagay at i-review ang lahat ng hinihinging personal details, at pindutin ang Next > Confirm
Paalala: Siguraduhing tama at updated ang personal information mo dahil ang paggamit ng impormasyon ng ibang tao ay labag sa batas.
- Mag-set ng 4-digit MPIN at i-click ang Confirm
- Pindutin ang Go to Login para simulan ang paggamit ng GCash
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Hindi ako makagawa o makapag-register ng GCash account. Anong dapat kong gawin?
- May ibang GCash account na gumagamit ng number ko. Anong dapat kong gawin?
- Ano ang mga gagawin para magkaroon ng Fully Verified GCash account?
- Mga IDs na tinatanggap para sa GCash Verification
- Hindi pa rin verified ang GCash account ko pagkatapos ng 3 araw. Anong dapat kong gawin?