Paano mag-Send Money sa GCash via QR code?
Pwede kang magpadala ng pera sa ibang GCash user sa pamamagitan ng pag-scan o pag-upload ng QR code nila. Tinatanggap ng QR scanner ang GCash Personal QR, GCash Merchant QR, at External Bank QR codes. Sundan ang mga steps sa ibaba para malaman kung paano:
- Sa GCash homepage, i-tap ang QR
- I-scan o i-upload ang GCash Personal QR o ang generated na Bank QR
- Ilagay ang amount at optional message at i-tap ang Next
- I-confirm kung tama ang mga detalye at i-tap ang Send
Paalala:
FREE pa din ang GCash to GCash transfers using QR. Pero, may InstaPay fees na posibleng mag-apply para sa banks o ibang e-wallets.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano mag-generate ng personal GCash QR?
- Paano gamitin ang Send Money para magpadala ng pera sa ibang GCash account?
- Hindi ako makapagpadala ng pera sa ibang GCash account. Anong dapat kong gawin?
- Nagpadala ako ng pera sa maling GCash account o number via Express Send. Anong dapat kong gawin?
- Nagpadala ako ng pera galing sa GCash ko papunta sa ibang GCash account, pero hindi daw ito natanggap ng recipient. Anong dapat kong gawin?