Paano i-delete o isara ang GCash account ko?
Kapag nag-request ka na i-delete ang GCash account mo, mawawala na ang access mo sa lahat ng GCash services, kasama na ang mga cards, insurance, at wealth products.
Pag nasimulan na namin ang pag-proseso ng deletion, hindi ka na makakapag-login sa account mo. Ang data mo ay tuluyang madi-delete mula sa aming systems pagkatapos ng 5 taon, ayon sa batas (R.A. 9160).
- Kapag dinelete mo ang GCash account mo, magiging canceled din ang records mo sa GInsure, GInvest, GCredit, at iba pang services. Kapag gumawa ka ng bagong GCash account, hindi mo na mababalik ang mga records na ito.
- Pagkatapos mong mag-request ng account deletion, hindi ka na makakapag-log in sa account mo.
- Lahat ng data mo ay permanent na mabubura sa aming system pagkatapos ng five years, alinsunod sa batas (R.A. 9160).
1. Siguraduhin na bayaran mo lahat ng outstanding balance mo sa GCredit, GGives, o GLoan. Hindi namin matatanggal ang account mo kung may hindi pa nababayarang balance.
2. I-clear ang GSave at GInvest accounts mo. Walang dapat na pending buy or sell orders sa GFunds, GCrypto, at GStocks PH. Puwede mong ibenta ang units at ilipat ang pera sa GCash wallet mo. Kung may natitirang funds sa partner bank ng GSave mo, may option ka na i-withdraw ang funds gamit ang kanilang bank apps.
3. Empty your wallet balance: Bago mo i-delete ang GCash account mo, siguraduhing i-withdraw lahat ng laman ng GCash wallet mo.
4. Maghanda ng accepted valid ID at kumuha ng selfie habang hawak ito
5. Mula sa GCash account mo, tap Profile at pangalan mo, then tap Delete Account. Huwag kalimutan i-attach ang photo ng valid ID at selfie sa request mo.
Privacy Notice:
Ang ibibigay mong impormasyon ay gagamitin lang para ma-verify ang identity mo at para maproseso ang account deletion request mo. Pagkatapos na ma-validate ang identity mo at makumpleto ang form, ipapagpatuloy na namin ang pag-delete ng i GCash account mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano gumawa ng bagong GCash account?
- Paano ko mapatataas ang aking GCash wallet at transaction limits?
- May minimum maintaining balance ba para magamit ang GCash?
- Pwede bang ilipat ang pera mula sa lumang account papunta sa bagong GCash account?
- Nag-fail ang GCash account verification ko. Anong dapat kong gawin?