Paano magbayad ng bills gamit ang GCash?
Gamitin ang GCash para magbayad ng bills, kasama na ang Meralco, Manila Water, PLDT, Globe, at i-top up ang Beep Card, Autosweep, EasyTrip, at iba pa. Pwede rin magbayad sa GCash para sa ibang electricity, water, internet, telecom services, credit cards, loans, government fees, insurance, at school fees.
Bago magbayad ng bills, i-double check na tama ang details na nakalagay.
Paano magbayad ng bills gamit ang GCash:
- Sa GCash homepage, pindutin ang Bills
- Piliin ang biller mula sa list
- Ilagay ang required information at pindutin ang Next
- I-review at i-confirm ang transaction details
Kapag natapos na, makakatanggap ka ng confirmation via app inbox, push notification, at GCash-registered email.
Paalala:
Ang fees at processing times ay nakadepende sa biller. Tignan ang list of Partner Billers here.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Magkano ang transaction fee para sa bills payment sa GCash?
- Paano mag-add/save ng favorite billers sa GCash?
- Paano mag-schedule ng bills payment sa GCash?
- Hindi ko mabayaran ang bills ko gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?
- Nagbayad ako ng bills sa GCash pero mali ang nalagay kong details. Anong dapat kong gawin?