Paano ko mapatataas ang aking GCash wallet at transaction limits?
Para mapataas ang GCash wallet at transaction limits, i-fully verify ang GCash account, mag-link ng bank account, o gumawa ng GSave o GFunds account. Ang pagtaas ng limit ay para lang sa mga GCash users na 18 years old at pataas na may Philippine-issued SIM card.
Pataasin ang GCash wallet limit to PHP 100,000
Kung ikaw ay isang Basic User, pwede mong pataasin ang wallet at transaction limits mo sa PHP 100,000 sa pamamagitan ng pagiging Fully Verified user.
Paano mag-increase ng GCash wallet limit sa PHP 500,000
Kapag naabot mo na ang PHP 100,000 na GCash wallet limit, pwede mo itong itaas sa PHP 500,000 sa pamamagitan ng kahit ISA sa mga sumusunod:
Mag-link at mag-Cash in
- I-link ang iyong BPI, UnionBank, Payoneer, o PayPal account sa iyong GCash wallet
- Mag-cash in sa GCash gamit ang naka-link na bank account
Gumawa ng GSave account with CIMB
- Sa GCash app, i-tap ang GSave
- Mag-sign up para sa GSave account gamit ang CIMB
- Mag-deposit ng hindi bababa sa PHP 100
Gumawa ng GFunds account at mag-invest sa BPI o ATRAM
- Sa GCash app, i-tap ang GFunds
- Gumawa ng GFunds account at mag-invest sa BPI o ATRAM
- Mag-invest ng hindi bababa sa PHP 100
Pagkatapos mong makumpleto ang kahit alin sa mga steps na ito, maghintay ng 3-5 working days para mag-reflect ang bagong limits mo. Makakatanggap ka ng SMS notification kapag upgraded na ang GCash wallet at transaction limits mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: