Ano ang mga IDs na tinatanggap para sa GCash Verification?
Alamin kung anu-anong government IDs ang puwedeng gamitin ng Filipino citizens, minors, foreign nationals, at overseas Filipinos para maging Fully Verified sa GCash.
Sa pag-verify ng GCash account, siguraduhin na ang ID ay:
- NOT expired – Dapat valid at within the expiry date ang ID.
- NOT damaged – Klaro at in good condition ang ID.
-
Actual ID – Physical ID ang kailangan. Hindi pwede ang scanned o photocopied na IDs.
- Maliban dito ang National ID, kung saan pwede ang scan o photocopy
Piliin ang sitwasyon na angkop sayo para malaman kung anong ID ang pwedeng gamitin:
- National ID (Card Type)
- National ID (Paper Type) / Digital National ID
- Passport
- HDMF (Pag-Ibig Loyalty Plus)
- Driver's License
- Philippine Postal ID
- PRC ID
- UMID
- SSS ID
- [NEW] Alien Certificate of Registration (ACR)
- [NEW] Special Resident Retiree's Visa (SRRV)
- [NEW] DFA/Diplomat ID
- [NEW] Alien Employment Permit
Para magkaroon ng Fully Verified GCash Jr. account, siguraduhin ang mga sumusunod:
- Ang minor ay may magulang na may Fully Verified GCash account.
- Mag-submit ng photo ng original o copy ng Birth Certificate ng minor, na issued by the National Statistics Office (NSO) or Philippine Statistics Authority (PSA).
- Mag-submit ng isa sa mga sumusunod:
- National ID (Card Type)
- National ID (Paper Type) / Digital National ID
- Passport
- Student ID
Para sa mga Foreign Nationals na may edad 18 years old at pataas, kailangang mag-submit ng Alien Certificate of Registration para maging Fully Verified sa GCash.
- National ID (Card Type)
- National ID (Paper Type) / Digital National ID
- Passport
- HDMF (Pag-Ibig Loyalty Plus)
- Driver's License
- Philippine Postal ID
- PRC ID
- UMID
- SSS ID
Anong pwedeng gawin kung wala akong valid ID?
Kasalukuyang hindi tumatanggap ng ibang IDs ang GCash maliban sa mga nabanggit sa itaas. Kung wala kang kahit alin sa mga tinatanggap na IDs, recommended na mag-register ka muna para sa National ID. Pumunta sa official website ng PSA para malaman kung saan ang mga registration centers at mga documents na kailangan.
Kung nakapag-apply ka na para sa national ID pero wala ka pang physical ID o paper National ID, pwede mong i-download ang Digital National ID mo mula sa PSA website o eGov PH app.
Para simulan ang verification ng GCash account mo, pindutin ang Profile > Verify Now sa GCash app.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: