Paano gumawa ng GCash Jr. account?
Ang GCash Jr. ay e-wallet para sa kabataang 7 hanggang 17 years old. Narito ang mga services na available para sa GCash Jr. accounts:
MGA AVAILABLE NA FEATURES | ||
Basic GCash Jr. | Fully Verified GCash Jr. | Not Applicable for GCash Jr. |
|
Mga serbisyo na nasa Basic GCash Jr., at ang mga sumusunod:
|
|
Ang mga GCash wallet at transaction limits na ito ay applied rin para sa GCash Jr. account.
Requirements para sa verification ng Minors/GCash Jr.
Para ma-fully verify ang GCash Jr. account mo, kailangan ng consent ng magulang mo at ang pag-agree nila sa Terms and Conditions ng GCash.
Ihanda ang mga sumusunod na requirements:
- Valid ID (passport, student ID, or national ID)
- Fully Verified GCash account ng isang magulang na may mga sumusunod na detalye:
- Buong pangalan ng magulang
- Fully Verified na GCash number
- Picture ng magulang mo na hawak ang ID na ginamit mo sa verification
- Original copy ng iyong birth certificate
Paalala: Ang mga GCash Jr. users na malapit nang maging 18 years old ay makakatanggap ng prompt kapag sila ay nag-login para i-accept ang bagong Terms and Conditions ng GCash. Hindi sila makakagawa ng transactions hangga't hindi nila na-accept ang bagong Terms and Conditions. Rest assured, hindi maaapektuhan ang kanilang wallets.
Ang features ng GCash Jr. Card ay pareho sa standard na GCash Card at pwedeng i-manage sa loob ng GCash Jr. account.
Para malaman kung paano i-verify ang iyong GCash Jr. account, follow the steps below:
- Sa GCash app, pindutin ang Profile
- Pindutin ang Verify Now
- I-tap ang Get Started
- Ihanda ang valid government-issued ID at pindutin ang Next
- Mag-ready para sa selfie para sa verification at pindutin ang Next
- Basahin ang remaining instructions at i-tap ang Next
- Ilagay ang birthday at i-confirm ang citizenship mo. Pindutin ang Next
- Piliin ang ID na gusto mong i-submit para sa verification
- Basahin ang tips at pindutin ang Select ID
- Siguraduhing nasa iyo ang real ID mo at ready ito for upload
- Ang ID mo ay dapat nababasa at nasa loob ng capture area
- I-scan ang ID
- Magsuot ng maayos na damit para siguraduhin na match ang selfie mo at ang ID
- Alisin ang cap, mask, o salamin
- Mag-ready para sa selfie scan. Pindutin ang Next
- Gawin ang selfie scan
- I-double check ang information sa ID
- Dapat kumpleto at tama ang spelling ng na-submit na details
- Ilagay ang lahat ng details na kailangan
- I-review lahat ng information at pindutin ang Confirm
- Siguraduhin na Fully Verified GCash User ang magulang mo
- I-ready ang magulang para sa selfie kasama ang ID mo
- Ihanda ang photo ng Original Birth Certificate mo (PSA/NSO). Pindutin ang Continue
- I-upload lahat ng required photos
- I-review lahat ng information at mag-agree sa terms and conditions. Pindutin ang Submit
- Makikita ang confirmation page para sa request mo na maging Fully Verified sa GCash Jr.