Pwede bang ilipat ang pera mula sa lumang account papunta sa bagong GCash account?
Magagawa ng GCash na maka ka transfer ng funds mo sa isa pang GCash account kung parehong nasa ilalim ng iisang account owner ang numero ng source at recipient. Tignan ang mga sumusunod para makalipat ng pera mula sa lumang account papunta sa bagong GCash account.
Mga Kailangan Ihanda
Kailangan mo ng mga dokumento na ito para magrequest ng fund transfer:
- Isang Accepted Valid Government ID
- Malinaw na picture mo na hawak ang valid ID.
- Kung ang lumang number ay hindi Fully Verified account, kailangan mong magbigay ng Notarized Affidavit of Loss para sa nawala, deactivated, o expired na SIM.
Paalala na ang mga sumusunod na produkto na naka-link sa old account mo lang ang pwedeng i-transfer:
- Lending (GGives, GCredit, GLoan)
- GSave
- GStocks PH
- GCrypto
- GFunds
Mga steps para mag request ng Fund Transfer
- Siguraduhin na ang bagong GCash account mo ay Fully Verified
- Ihanda ang litrato ng valid ID, selfie, at notarized affidavit* para sa submission
- Hanapin ang GCash e-mail thread kung saan ka nagrequest ng blocking ng account mo
- I-reply ang email na iyon kasama ang mga dokumento mo, at ang mobile number kung saan mo gustong i-transfer ang funds at services.
Hintayin ang update mula sa GCash Support Team sa loob ng 24 oras.
- Siguraduhin na ang bagong GCash account mo ay Fully Verified
- Ihanda ang litrato ng valid ID, selfie, at notarized affidavit* para sa uploading
- I-click ito para mag request ng fund transfer.
- Kumpletuhin lahat ng required na impormasyon at i-attach lahat ng required na dokumento.
Makakakuha ka ng confirmation email tungkol sa request ng fund transfer mo sa loob ng 48 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: