Hindi ako makapag-submit para sa GCash verification. Anong dapat kong gawin?
Kung may error kang na-encounter habang nagve-verify at hindi ka makapag-submit ng application, ito ang mga posibleng dahilan at kung paano maaayos:
1. Na-reach mo na ang maximum selfie attempts
Hintayin lang ng 24 hours bago ulit mag-try.
2. GCash would like to access your camera
Kailangan ng GCash ng access sa camera mo para sa selfie scan.
- Pumunta sa phone settings mo
- Hanapin ang GCash app
- I-enable ang Camera access
3. This device is not supported
May ibang phones or tablets na posibleng hindi compatible sa verification system ng GCash. Subukang mag-verify gamit ang ibang phone o tablet.
4. Hindi kita nang maayos ang mukha mo
Tips para maging successful ang selfie scan mo:
- Siguraduhing maliwanag ang mukha mo
- Alisin ang face mask o shades
- Itapat at i-center ng maayos ang mukha sa frame, at huwag gagalaw
Kung nasunod mo na lahat pero hindi ka pa rin makapag-submit ng verification dahil sa error message, click here to ask for help. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: