Pwede bang gamitin ng GCash Overseas users ang GGives, GCredit, at GLoan?
Kung nasa abroad ka at gusto mong gumamit ng GCash, puwede ka nang mag-register gamit ang international SIM. Puwede mo pa ring gawin ang mga basic na services, tulad ng magpadala ng pera, magbayad ng bills, at mag-cash in sa piling channels.
Ang credit at loan services ng GCash tulad ng GGives, GCredit, at GLoan ay para lang sa accounts na naka-register gamit ang Philippine mobile number.
Kung international SIM ang gamit mo sa GCash Overseas, hindi mo pa ma-access ang mga features na yan ay hindi available ngayon.
Ano ang puwede mong gawin gamit ang GCash Overseas?
- Mag-Send Money sa GCash users dito sa Pilipinas
- Mag-Transfer ng funds sa mga bank accounts sa Pilipinas
- Mag-Pay Bills sa Pilipinas
- Mag-Buy Load ng prepaid load para sa Philippine numbers
- Mag-Cash In sa piling international partners o remittance channels
- Mag-Save gamit ang GSave Overseas powered by CIMB
Need more Help?
Para sa katanungan o karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles dito: