Nakita ko ang "Confirming your payment" pagkatapos mag-scan ng QR code para magbayad gamit ang GCash. Ano ang dapat kong gawin?
Kapag nakatanggap ka ng error na "Confirming your payment" pagkatapos magbayad gamit ang QR, ibig sabihin nagche-check ang GCash sa merchant ng iyong transaction. Nangyayari ito dahil sa delay sa system communication.
Ano ang dapat kong gawin?
- Maghintay ng ilang minuto: Pwedeng pumasok pa rin ang transaction. Mag screenshot ng error message.:
- Ipakita ang error screen sa merchant para makita nila na may payment attempt na nagawa.
- I-check ang Transaction History sa GCash app para makita kung successful ang payment.
Kung hindi pa rin lumabas ang transaction after a few minutes, pwedeng gumamit na ng ibang payment method para makumpleto ang iyong pagbili.
Kung wala ka pa ring natanggap na SMS confirmation o wala pang adjustment sa Transaction History mo pagkatapos ng 24 oras mula sa petsa ng transaction, click here to ask for help.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: