Biglang na-unlink ang GCash account ko mula sa merchant. Anong gagawin ko?
Kung ang GCash account mo na-unlink sa isang merchant para sa online payments tulad ng Grab, Angkas, Move It, etc., baka dahil hindi ka pa Fully Verified.
Simula August 1, 2024, in-update ng GCash ang policy na kailangan successful completion ng Know Your Customer (KYC) verification process para maka-transact online.
Para masigurado ang safety ng transactions mo, sinunod ng policy na ito ang mga regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na nakatuon sa customer due diligence, anti-money laundering, at paglaban sa financing ng terrorism (AML/CFT). Ang goal ng policy na ito ay mas mapa-secure pa ang payment platform natin at masigurado ang integrity nito.
Bago mo ma-link ulit ang iyong GCash account sa partner merchants para sa online payments, siguraduhin na Fully Verified ang iyong account.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: