Hindi ko natanggap ang cash in sa GCash wallet mula sa Over-the-Counter o offline partner. Anong dapat kong gawin?
Kung nag-cash in ka over-the-counter gaya sa 7-Eleven, TouchPay, Pay & Go, o Palawan at hindi na-reflect yung pera sa GCash account mo, eto yung kailangan mong malaman:
Kung ang method ng pag-cash in mo ay sa counter o machines:
-
I-check ang GCash Transaction History o app Inbox
Minsan, natatagalan bago mag-reflect yung transaction. Subukan mong i-check yung Transaction History after some time. -
I-verify kung tama yung mobile number para sa transaction
Maaaring na nasend mo sa maling GCash account. Double-check kung tama yung mobile number na ni-enter mo. Ikaw ang responsable sa pag-send ng pera sa tamang number. -
I-check kung hindi mo pa na-eexceed ang wallet limits mo
Bawat GCash wallet account ay may monthly limit. Kung na-exceed mo na ang limit na 'to, hindi matutuloy ang transaction at magkakaroon ng error. Tignan kung ano ang GCash Wallet and Transaction Limits. -
I-check kung nakita mo ang error sa machine
Kung may cashier o counter, humingi ng assistance sa kanila. Dapat alam nila kung ano ang gagawin sa error. Kung hindi sila makatulong o walang available na assistance, kumuha ng picture ng error message at kontakin ang GCash
Kung nasunod mo na yung mga steps sa itaas o hindi applicable at hindi mo pa rin natanggap ang pera, click here to ask for help. Huwag kalimutang kunin at kuhanan ng picture ang resibo. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: