Wala akong valid ID na tinatanggap for GCash verification. Anong pwede kong gawin?
Kung wala kang valid ID na tinatanggap for GCash verification, mas okay kung mag-register ka muna for a National ID. Pwede kang bumisita sa official website ng PSA para makita ang list ng registration centers at requirements. Pwede din i-check yung mga PSA Registration Centers na malapit sa inyo.
Kung nakapag-apply ka na pero di mo pa natatanggap ang physical or paper National ID mo, pwede mong i-download ang Digital National ID sa eGov PH app.
Para makapagsimula sa GCash verification, i-tap mo lang ang Profile > Verify Now sa GCash app.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: