Untitled
Kapag nagtatry kang magpa-verify sa GCash gamit ang ePhil ID (Paper type) o Digital National ID, kailangan kang mag-selfie scan para ma-validate ang iyong National ID records sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Paalala:
Iba ang PSA Selfie Scan sa selfie scan na kailangan ng GCash bilang bahagi ng verification process.
Troubleshooting Tips for ID Verification
-
I-verify ang Personal Information: Siguraduhing lahat ng impormasyong inilalagay mo ay tugma sa National ID mo.
-
I-check ang Internet Connection: Siguraduhing stable ang internet connection mo para sa verification.
-
Gumamit ng Alternative ID: Kung hindi gumagana ang verification gamit ang ePhil o Digital National ID, pwede kang gumamit ng ibang accepted na ID.
Maaari mong i-download ang iyong Digital National ID via the e-Gov PH website.