Parang may gumamit ng GCash ko at nabawasan ang pera ko. Anong dapat kong gawin?
Kung may napansin kang unauthorized transactions sa GCash Transaction History, tulad ng hindi kilalang charges o transactions o nabawasan ang GCash wallet, sundan ang mga steps na ito:
- Tignan lahat ng platforms kung saan naka-link as payment ang GCash: Siguraduhin na tama at active ang mga subscriptions mo sa social media accounts o e-commerce platforms (hal. App Store, Google Play Store, Netflix, Spotify)
- Baguhin ang MPIN: I-secure ang GCash account mo sa pamamagitan ng pagbabago ng MPIN
- I-report ang transaction: Kung may mga hindi ka naaalalang transactions sa account, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. I-report ito sa loob ng 15 araw mula sa transaction date.
Anong mangyayari pagkatapos kong mag-report ng unauthorized transaction?
I-check ang status ng report mo sa GCash homepage, pindutin ang Profile > Help > Tickets. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: