May funds ba sa GFunds na nagbabayad ng dividends?
Ang ALFM Global Multi-Asset Income Fund (ALFMGMIP) mula BPI Investment Management Inc. (BPI-IMI) at ang Manulife Funds ay ang tanging funds sa GFunds na nagbibigay ng dividends.
Fund Name | Dividend Frequency |
ALFM Global Multi-Asset Income Fund | Monthly |
Fund Name | Dividend Frequency |
Manulife Global Preffered Income Feeder Fund | Monthly |
Manulife Global REIT Feeder Fund | Monthly |
Manulife Asia Pacific REIT Fund of Funds | Semi-Annually |
Manulife Asia Dynamic Bond Feeder Fund | Semi-Annually |
Ang dividends ay mga bayad na ibinibigay ng isang fund o kumpanya sa mga investors nito bilang paraan ng pagbabahagi ng kita. Para itong bonus sa pag-invest ng pera mo. Bukod sa paglago ng halaga ng investment mo, posible kang makatanggap ng dagdag na kita mula sa mga dividends.
Kung nag-invest ka sa isang fund na kumikita, posibleng ibahagi nito ang parte ng kita sa iyo bilang dividends. Pero hindi lahat ng funds ay nagbibigay ng dividends.
Mga Dapat Mong Malaman Tungkol sa Dividends:
-
Not guaranteed
Ang matatanggap mong halaga ay posibleng magbago bawat buwan. May mga buwan na mas mataas ang payout, at may mga buwan na wala kang matatanggap. -
Non-cumulative
Kung hindi ka makatanggap ng dividends sa isang buwan, hindi ito mababawi sa susunod na buwan. Ang bawat payout ay hiwalay at hindi na naipon.
Sample kung paano i-compute ang dividends:
Number of fund units na meron ka as of Record date x Unit Dividend x NAVPU as of Record date
= Dividends Received
Ang number of units at NAVPU na considered ay ang mga natanggap lang during the record date, hindi during the settlement date. The fund manager determines the record date and NAVPU.
The unit dividend is rounded to 4 units.
Tignan ang sample dividend computation sa ibaba:
Item | Value |
Number of Units (as of Record Date) | 10,000 units |
Unit Dividend | 0.0035 |
NAVPU (as of Record Date) | PHP 120.50 |
Dividends Received | PHP 4,217.50 |
Kung hindi natanggap ang dividends 2–3 na araw pagkatapos ng expected date, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: