Nag-exceed ako sa Express Send transaction limit ko sa GCash. Anong dapat kong gawin?
Kung nakita mo ang prompt na, "This transaction exceeds your Express Send Transaction limit," ibig sabihin ay naabot mo na ang Express Send transaction limit mo para sa buwan na iyon.
May limit ang GCash sa bilang ng paggamit mo ng Express Send sa isang buwan ayon sa Terms & Conditions.
Sa unang araw ng bawat buwan ang pag-reset ng limit mo. Kung naabot mo na ang send or receive limit mo para sa kasalukuyang buwan, pwede ka pa ring gumamit ng Express Send sa susunod na buwan.
Kung kailangan mong mag-transfer ng funds sa ibang GCash account agad, pwede kang:
- Magdagdag ng funds sa GCash wallet via Cash In
- Mag-transfer ng funds sa bank account o e-wallet via Bank Transfer
Kung isa kang merchant at gusto mong gamitin ang GCash na walang transaction limits, pwede kang mag-sign up para sa GCash Pera Outlet account.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: