Paano magbayad gamit ang GGives?
Para magamit ang GGives sa pagbayad, siguraduhin na i-activate muna ang GGives. Hindi pwede gamitin ang GGives na pambayad sa ibang loans. I-check ang available credit limit, at tignan kung nasa loan count limit ka pa.
Ito ang steps kung paano magbayad sa aming GGives Partner Merchants:
- Kapag nasa cashier o cashier page, piliin ang pay with GCash at mag-log in sa GCash account mo
- Piliin ang GGives bilang payment method sa GCash app > i-tap ang See Installment Options
- Pindutin ang preferred installment plan at Agree to the Disclosure Statement
- I-tap ang Pay with GGives
Mapupunta ka sa confirmation receipt ng payment purchase. Pagkatapos nito, makakatanggap ka ng PDF copy ng disclosure statement mo sa email, na may copy din ng payment schedule mo.
Paalala:
Kapag nakabili ka na gamit ang GGives at nakapirma sa disclosure agreement, hindi mo na pwedeng baguhin ang details ng GGives loan mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: