Paano magsara ng eC-Savings GSave account?
Kung gusto mong isara ang eC-Savings GSave account mo, sundan ang mga steps sa baba:
I-withdraw lahat ng natitirang funds
Siguraduhing na-withdraw na ang lahat ng pera mula sa eC-Savings account. Hindi ka pwedeng magsara ng account kung may funds pa na naiwan sa account.
Mag-request para sa eC-Savings Account Closure
Sundan ang mga steps na ito para mag-request ng account closure:
- I-download ang Bank Request Form: Click here para ma-download ang form.
- Sagutan ang Bank Request Form: Sa "OTHERS" field, ilagay ang "Account Closing" at isulat ang dahilan ng request.
- Ihanda ang valid ID: Gumawa ng photocopy o scan ng valid government ID at pirmahan ito nang tatlong beses.
- Mag-selfie kasama ang ID: Hawakan ang ID copy at kumuha ng larawan na malinaw na nagpapakita ng tatlo mong pirma.
-
Ipadala ang request sa email: I-send ang email sa cebuanacares@pjlhuillier.com na may subject na "EC SAVINGS - ACCOUNT CLOSURE REQUEST" kasama ang:
- Completed Bank Request Form
- Copy ng valid ID
- Selfie na hawak ang ID copy
Contact Cebuana Cares
Kung may concern ka tungkol sa eC-Savings account mo, i-contact ang Cebuana Cares gamit ang mga sumusunod na contact details:
Email: cebuanacares@pjlhuillier.com
Phone:
(02) 7759-9800
(02) 8779-9800
SMS:
0917-8122737 (CARES) - GLOBE
0918-8122737 (CARES) - SMART
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: