Paano mag-schedule ng autoload para sa mobile at broadband load?
Pwede kang mag-schedule ng maximum na 10 mobile at broadband load transactions sa GCash app. Sundan lang ang mga steps na ito:
Paano mag-schedule ng mobile load purchase
- Sa Load homepage, pindutin ang Autoload > Schedule Mobile Load
- Piliin ang telco load na gusto mong bilhin at ilagay ang mobile number na gusto mong bilhan ng load. I-tap ang Next
- Piliin ang product na gustong bilhin, at pindutin ang Schedule for Autoload
- Pumili sa repetitive o one-time autoload schedule at ilagay ang details. I-tap ang Next
- I-review ang details ng scheduled mobile load purchase. Piliin ang Confirm
- Ilagay ang 6-digit code na pinadala sa GCash number at pindutin ang Submit
Mapupunta ka sa Autoload page para i-confirm ang scheduled mobile load purchase.
Paano mag-schedule ng broadband load purchase
- Sa Load homepage, pindutin ang Autoload > Schedule Broadband Load
- Piliin ang broadband load na gusto mong bilhin at ilagay ang mobile number. I-tap ang Next
- Piliin ang product na gustong i-purchase, at pindutin ang Schedule for Autoload
- Pumili sa repetitive o one-time autoload schedule at ilagay ang details. I-tap ang Next
- I-review ang details ng scheduled broadband load purchase. Piliin ang Confirm
- Ilagay ang 6-digit code na pinadala sa GCash number at pindutin ang Submit
Mapupunta ka sa Autoload page para i-confirm ang scheduled broadband load purchase.
Paalala:
Kung kulang ang funds sa GCash wallet mo, hindi matutuloy ang scheduled load at susubukan ulit ito sa susunod na scheduled date.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: