May problema ako sa GCash Borrow Load. Anong pwedeng gawin?
Kung nahihirapan kang mag-access, mag-borrow, o magbayad ng GCash Borrow Load, basahin ang mga posibleng dahilan dito:
Hindi Makapag-loan ng Load
Hindi ka makapag-loan kung mayroon kang existing Borrow Load promo. Tandaan na isa lang ang puwedeng Borrow Load promo bawat eligible user.
Kinansel ko ang Borrow Load transaction pero natuloy pa rin.
Kapag successful na ang Borrow Load transaction mo, hindi mo na ito puwedeng kanselahin o baguhin ang mobile number. Hindi mare-refund ng GCash, pero puwede mong bayaran nang maaga ang total amount para matapos ang loan. Hindi refundable ang fees, kabilang ang one-time processing fee. Para maiwasan ang problema, i-double check ang lahat ng details bago i-confirm ang Borrow Load transaction.
Hindi successful ang Borrow Load
Puwede kang may ongoing Borrow Load promo na or mayroong system maintenance.
Product ng Load na hindi available
Puwede kang hindi eligible base sa evaluation ng GCash.
Hindi natanggap ang Load
Puwede itong dahil sa system error, system maintenance, o unstable internet connection. I-check ang Transaction History kung reflected ang transaction.
Mali ang load credit na natanggap
Puwede ito dahil sa maling input ng details o error.
Na-charge ng paulit-ulit para sa isang transaction
Puwede ito dahil sa system error. I-check ang Transaction History kung reflected nang maraming beses ang transaction.
Para sa anumang isyu na na-encounter sa GCash Borrow Load, click here to ask for help. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 1-2 business days.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: