Paano magbayad ng GCash Borrow Load?
Kung gusto mong magbayad ng GCash Borrow Load mo, sundin mo lang itong mga steps:
1. Sa GCash app mo, i-tap ang Load > Borrow Load
2. I-tap ang Pay
3. I-enter ang amount na gusto mong bayaran > Next
4. I-review ang payment details > Pay
Ang mga due na bayarin ay automatic na madededuct sa GCash wallet mo simula sa due date hanggang sa fully paid na. Para maiwasan ang late payment fees, mas maganda kung mabayaran mo ito on time gamit ang Borrow Load page.
Kapag late magbayad:
May late payment fee na 2.5% ng outstanding principal balance mo na iko-charge 1 araw pagkatapos ng due date, 31 araw pagkatapos ng due date, at 61 araw pagkatapos ng due date.
Ang mga payment na ginawa mo ay magre-reflect sa account mo within 24 hours pagkatapos ng transaction.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: