Paano gamitin ang GCash Borrow Load?
Ang GCash Borrow Load ay nagbibigay-daan sa'yo na makakuha ng prepaid load promos para sa mobile o broadband kahit zero balance ka pa. Available ito sa ilang napiling GCash users at mababayaran ito sa loob ng 14 days na may maliit na processing fee.
Sino ang qualified gumamit ng GCash Borrow Load?
Sa ngayon, ang GCash Borrow Load ay available lang sa select users. Narito ang qualifications:
- Ikaw ay 21 to 65 years old
- Ikaw ay isang Filipino citizen
- Ikaw ay isang fully verified GCash user
- Wala kang active Borrow Load promo. Kung may active Borrow Load promo ka, kailangan munang bayaran ito bago ka makakuha ulit.
Makakatanggap ka ng SMS kung available na sa'yo ang GCash Borrow Load. Patuloy na gamitin ang GCash products and services para tumaas ang chances mong ma-unlock ang GCash Borrow Load.
Paano i-activate ang GCash Borrow Load
Para i-activate ang GCash Borrow Load, sundin ang mga steps na ito:
- Sa GCash app mo, i-tap ang Load > Borrow Load
- Piliin ang Activate
- Review ang personal details mo
- Pumayag sa Terms and Conditions
- I-tap ang Start Borrowing
Madi-direct ka sa page para ideklara ang iyong successful activation ng Borrow Load.
Need more Help?
Para sa iba pang inquiries o concerns, tingnan ang mga sumusunod na articles: