Nag-cash in ako gamit ang global bank/partner o international remittance pero hindi ko natanggap yung pera. Ano'ng dapat kong gawin?
Kung hindi mo natanggap ang remittance sa GCash wallet mo, ito ang mga steps na pwede mong sundan para i-resolve ang issue:
1. I-verify ang Transaction Details
- Sender's Confirmation: I-confirm sa sender ang mga sumusunod::
- Na-send ba ang remittance sa tamang mobile number na registered sa GCash account mo?
- Successful ba ang pag-process ng transaction? Dapat may deduction na makita ang sender sa wallet nila at may transaction na nakalagay sa history.
2. I-claim ang Remittance
- Kung pinadala ang remittance via Official GCash Remittance Partner, siguraduhin na i-claim ito within the app. Siguraduhin na ang pangalang ginamit sa remittance ay pareho sa GCash-registered name at tama ang reference number
Paalala: Siguraduhin mong i-claim ang iyong remittance sa loob ng validity period (90 days) para hindi mag-expire.
3. I-check kung ang Remittance na ipinadala ay mula sa isang Official GCash Remittance Partner
Kung nag-cash in ka via an Official GCash Remittance Partner at hindi mo natanggap yung pera, ito yung paraan para ma-verify kung successful yung transaction:
- I-check ang Transaction History mo para sa kahit anong update na may header na, “Received Remittance”
- I-check sa sender mo kung tama yung ginamit na number
Kadalasan ang mga remittances na pinapadaan sa GCash partner channels ay reflected na sa transaction history mo within 10 minutes.
Kapag nag-fail ang remittance, automatic na ibabalik yung funds sa sender's account within 2 business days.
Kapag hindi pa rin reflected sa GCash Wallet mo ang iyong remittance after 2 business days mula sa date ng transaction, click here to ask for help. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 1-2 business days.
Kung ang remittance ay pinadala mula sa unofficial GCash remittance partner
Kung magpapadala ka ng remittance gamit ang hindi opisyal na GCash partner, hindi makTrack ni GCash ang remittance mo. Iba-iba ang processing time at paraan ng paghandle ng issues ng mga unofficial GCash partner.
Kung di mo natanggap ang pera mula sa hindi opisyal na GCash remittance partner, i-check kung naibalik ang pera sa account ng sender.
Kapag hindi na-receive ang funds mula sa US Bank Cash In
Kung hindi pa nagre-reflect ang remittance mo sa GCash Wallet a pagkatapos ng isang business day galing sa transaction date, click here to ask for help. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Kapag hindi na-receive ang funds mula sa EU/UK Bank Cash In
Para sure na pumasok ang iyong cash in, sundin ang mga steps na ito:
- Gamitin ang GCash app sa pag-cash in: Siguraduhin lagi na GCash app ang ginagamit sa pagdagdag ng pera. Iwasan gamitin ang details mula sa old transactions.
- Check ang balance sa iyong bank account: Siguraduhin na may sapat na funds sa bank account bago mag-cash in.
- Huwag mag- “Replay” or “Retry”: Iwasan gamitin ang “Replay” or “Retry” buttons ng iyong bangko dahil baka magka-problema ang cash in mo.
Hindi matrace ng GCash ang ganitong transaction kasi hindi siya naka-link sa GCash account. Tawagan ang iyong banko para humingi ng refund.
Kung ang remittance ay pinadala gamit ang GCash website remittance
Paalala: Ang GCash website remittance ay available lang para sa US GCash Overseas users.
Kung hindi pa nagre-reflect ang remittance mo sa GCash Wallet after ng 2 business days galing sa transaction date, click here to ask for help. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: