Mga pagkakaiba ng Send Money, Bank Transfer, Cash In, Cash Out sa GCash
Maraming paraan para magpadala at tumanggap ng pera gamit ang GCash. Para masulit ang GCash experience mo, alamin natin ang pagkakaiba ng Send Money, Bank Transfer, Cash In, Top Up, at Cash Out.
Send Money via Express Send
Gamitin ang Send Money para mabilis na ma-transfer ang pera mula sa GCash wallet mo papunta sa GCash wallet ng iba.
Bank Transfer
Piliin ang Bank Transfer para makapagpadala ng funds galing sa GCash wallet mo papunta sa kahit anong bank account.
Cash In
Kapag gusto mong magdagdag ng pera sa GCash wallet mo, pwede kang mag-Cash In gamit ang:
- Linked bank account
- Bank apps (via InstaPay o PESONet)
- E-wallet
- Over-the-counter partners
- Remittance centers
Cash Out
Kung gusto mong kunin ang pera mula sa GCash wallet mo, pwede kang mag-Cash Out gamit ang:
- GCash Card sa ATM
- Over-the-Counter Partners
- Remittance centers
- GCash Pera Outlets