Paano gamitin ang Watch Pay sa GCash?
Sa Watch Pay, pwede kang magbayad gamit ang smartwatch mo—di na kailangan ang phone mo. Sa ngayon, available lang ang feature na ito sa mga sumusunod na Huawei wearables:
Watch Fit Series
-
Watch Fit 3 Series
-
Watch Fit 4 Series
GT Series
-
GT 4 Series
-
Watch GT 5 & GT 5 Pro
Watch Ultimate Series
-
Watch Ultimate Series
-
Watch Ultimate – Woods Edition
-
Watch Ultimate – Colombo Edition
Band Series
-
Band 10
Watch D Series
-
Watch D 2
Paano gamitin ang Watch Pay bilang payment method:
- Buksan ang GCash app sa watch mo
- I-link ang GCash wallet mo sa smartwatch
- Mag-log in sa GCash app sa watch
- I-tap ang QR sa GCash app para mag-generate ng payment QR code
- Ipakita ang generated QR code sa merchant para i-scan at matapos ang payment
- Makakatanggap ka ng payment confirmation sa watch mo kapag successful ang transaction
Saan pwedeng gumamit ng Watch Pay:
Puwede kang magbayad gamit ang Watch Pay para sa in-store retail transactions by generating a QR code na isa-scan ng merchant. Exclusive pa lang ang Watch Pay para sa Huawei smartwatches at supported lang sa mga stores na tumatanggap ng QR-based payments.
Paano magbayad gamit ang Watch Pay:
- Mag-login sa GCash app sa watch mo
- Piliin ang QR at ipakita ang QR code sa merchant
- Makakatanggap ka ng confirmation sa watch mo kapag na-accept na ang payment
Kung nawala ang watch mo:
I-remove ang lost watch mo sa GCash app gamit ang phone mo:
- Sa GCash app homepage, i-tap ang Profile
- I-tap ang Settings > Account Secure
- Piliin ang nawawalang watch at i-tap ang Unregister Device
- I-tap ang Yes, Unregister
- Pag na-confirm, mawawala na ang access ng watch mo sa GCash account mo
Need more Help?
Para sa katanungan o karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles dito: