Travel by Voyager
Sa Voyager, pwede kang mag-book ng lahat ng travel needs mo gamit ang GCash. Pwede ka mag-book ng hotels, flights, tours, at eSIMs.
Makikita mo ang Travel by Voyager sa GCash homepage. Pindutin lang ang View All Services > Travel.
Paano mag-book ng hotel
- Piliin ang Hotel at hanapin ang city o hotel mo para makita ang availability ng check-in/check-out dates mo.
- Pindutin ang hotel at ilagay ang booking details mo.
- I-review ang terms at privacy policy.
- Pindutin ang Book Now at kumpletuhin ang payment.
- Bago mag-book, siguraduhin na final na ang lahat ng impormasyon at dates mo.
Pagkatapos ma-place ang booking mo, magiging "Confirming" ang status nito. Kapag na-process na, magiging "Confirmed" ito at makakatanggap ka ng confirmation email sa loob ng 30 minuto.
Siguraduhin na tama ang email na nilagay mo. Pindutin ang My Orders, hanapin ang hotel booking mo, at i-check ang "Contact Info" para makita kung tama ang email mo. Tignan rin ang junk o spam folder para hanapin ang confirmation email.
Kung hindi mo natanggap ang confirmation email, magiging "Canceled" ang booking mo at makakakuha ka ng refund sa loob ng 5 working days.
Paano tignan ang hotel booking details
Para makita ang details at status ng booking mo, pindutin ang My Voyager > My Orders at piliin ang hotel booking.
Kung may mangyaring hindi inaasahan sa destination city o hotel mo, maglalabas ang Alipay+ Voyager ng reminder sa booking details mo.
Paano mag-cancel ng hotel booking
Pwede mo lang i-cancel ang booking mo kung ginawa ito nang higit sa 24 oras in advance at kung pumapayag ang hotel. Kung hindi pinapayagan ng hotel ang cancellation, hindi rin ito pwedeng i-cancel ng Voyager. May cancellation fees na pwedeng mag-apply, at hindi guaranteed ang full refund.
Para i-cancel ang booking mo, sundan ang mga steps na ito:
- Pindutin ang My Voyager > My Orders at i-click ang hotel booking na gusto mong i-cancel.
- Pindutin ang Cancel Booking.
Kapag successful ang pag-cancel ng booking, ang status nito sa app ay magiging Canceled Successfully at makakatanggap ka ng email notification.
Paano i-contact ang Voyager customer service team?
Pindutin ang Get Help icon sa ilalim ng booking mo para makipag-ugnayan sa customer service team.
Available ang Voyager Customer Service Team araw-araw mula 9 AM hanggang 10 PM.
Paano mag-book ng flight
Paalala: Bago mag-book ng flight, siguraduhin na valid pa ang passport mo for at least 6 buwan after ng travel date mo. I-check din kung may kailangan na visa o ibang travel documents ang bansa na pupuntahan.
- Piliin ang Flights at hanapin ang destination mo kasama ang departure at arrival date.
- Piliin ang flight at ilagay ang details.
- Basahin ang terms at privacy policy.
- Pindutin ang Book Now at kumpletuhin ang payment.
Bago mag-book, siguraduhin na final na ang mga dates mo. Hindi na pwedeng baguhin ang booking pagkatapos mong magbayad.
Kapag na-book na ang flight, ang status sa booking details mo ay magiging "Ticketing." Kapag processed na at natanggap mo na ang confirmation email sa loob ng24 minuto, magbabago ang status sa "Ticket/s Issued."
Siguraduhin na tama ang email na nilagay. Pindutin ang My Orders, hanapin ang hotel booking mo, at i-check ang "Contact Info" para makita kung tama ang email. Tignan rin ang junk o spam folder para hanapin ang confirmation email.
Kung hindi mo matanggap ang email, magiging "Canceled" ang booking mo at makakakuha ka ng refund sa loob ng 5 working days.
Kung nag-fail ang flight booking
Kung nag-fail ang booking, magsisimula agad ang refund process at makikita mo ang amount sa GCash wallet mo sa loob ng 48 oras. Kung hindi mo pa natanggap ang refund pagkatapos ng 48 oras, i-contact ang Voyager Customer Service team.
Paano makita ang flight booking details
Para makita ang booking details at status, i-tap ang My Voyager > My Orders at piliin ang hotel booking.
Para sa anumang pagbabago sa flight schedule, makakatanggap ka ng SMS, email, o notification mula sa airline. Siguraduhin na tama ang contact details na nilagay mo para makareceive ng updates. Huwag kalimutan i-check ang spam o junk folders mo.
Para i-check ang flight details, bisitahin ang website ng airline o kontakin sila directly para sa latest updates.
Paano kung na-reschedule o na-cancel ang flight ko?
Kung na-reschedule o na-cancel ang flight mo, makakatanggap ka ng email notification na may update. Tutulungan ka namin na makipag-ugnayan sa ticket agency at airline para mag-arrange ng alternative flight o refund as soon as possible.
Paano mag-cancel ng flight booking
Para mag-request ng cancellation, i-contact ang Voyager Customer Service team at ibigay ang mga sumusunod na details:
- Passenger names
- Order ID
- Ticket number
- Flight details (departure at arrival time, at location)
- Reason for cancellation
- Supporting documents (kung applicable)
Paalala na iba-iba ang cancellation policies ng bawat airline. Ang ibang tickets ay hindi refundable o cancelable, at may mga airline na may cancellation fees.
Kung refundable ang ticket mo, makakatanggap ka ng refund sa loob ng 2-7 araw.
Paano mag-book ng tour
- Sa Voyager homepage, i-tap ang Attraction o Tours
- Piliin ang tour na gusto mo
- I-review ang terms and privacy policy.
- Pindutin ang Book Now at kumpletuhin ang bayad.
- Bago mag-book, siguraduhing final na ang dates na pipiliin. Hindi na pwedeng baguhin ang booking kapag natapos na ang payment.
Ang booking mo ay confirmed na kapag ang status sa order page ay "Confirmed" at nakapag-send na ng confirmation email sa email address na nilagay mo.
Siguraduhin na tama ang email na nilagay. Pindutin ang My Orders, hanapin ang booking, at i-check ang "Contact Info" para makita kung tama ang email mo. Tignan rin ang junk o spam folder para hanapin ang confirmation email.
Kung hindi mo matanggap ang email, automatic na magiging "Canceled" ang booking mo at makakakuha ka ng refund sa loob ng 5 working days.
.
Paano tingnan ang details ng attraction/tour booking
Para makita ang booking details at status, pindutin ang My Voyager > My Orders at piliin ang attraction/tour booking.
Pwede ko bang i-cancel ang booking ko?
Bago mag-book, i-review ang cancellation policy sa "Product Details" section. Kapag na-confirm na ang booking, makikita mo ang cancellation policy sa "Cancellation Policy" tab ng order.
Contact the Voyager customer service team
Pindutin ang Get Help icon sa ilalim ng booking mo para makipag-ugnayan sa customer service team.
Available ang Voyager Customer Service Team araw-araw mula 9 AM hanggang 10 PM.