Paano magbayad o transact kapag offline ang GCash?
Kung kailangan mong mag-transact pero hindi mo mabuksan ang GCash app mo, ilan ito sa mga pwede mong gawin:
Mag-cash out via Over-the-Counter o ATM
- Over-the-Counter (OTC) Partners: Bumisita sa kahit anong OTC partner outlet. Ilagay ang iyong mobile number, kung magkano ang gusto mong i-cash out, at isang valid ID.
- ATM Withdrawal: Kung naka-link ang GCash card mo sa account mo, pwede kang mag-withdraw sa kahit anong ATM.
Magbayad ng GLoan, GCredit, o GGives Dues
- Auto-Deduction: Automatic na mababawas sa GCash wallet ang loan payments mo kung sapat ang laman nitong funds. Makatatanggap ka din ng SMS verification kapag successful ito.
- Offline Payment Partners: Pwede kang magbayad sa aming partner banks at centers. Piliin lang ang Fuse Financing Inc. bilang biller at ibigay ang account number gaya ng sa ibaba:
Payment Partner | Account Number |
Bank of the Philippine Islands | Loan Account ID (Found in your GLoan dashboard) |
Metrobank | |
Banco de Oro (BDO) | GCash Registered Mobile Number |
Bayad Center |
- Paalala: Magrereflect ang lahat ng bayad na ginawa sa aming offline partners pagkalipas ng 1 business day. Bayaran sa tamang oras ang due date para maiwasan ang late fees.
Mag-deposit at withdraw sa GSave accounts
Pwede kang mag-deposit o withdraw ng funds mula sa GSave account mo gamit ang kahit alin sa mga sumusunod:
- BPI MySaveUp: Mag-deposit at withdraw sa OTC o bank ATM.
- GSave by CIMB: Mag-transact via CIMB app.
- Maybank EzySave+: Mag-deposit at withdraw sa OTC, bank ATM, o via Cliqq at 7-Eleven.
- UNOBank: Mag transact sa UNOBank app. Siguraduhing linked account siya para ma-access ito.
Paalala:
Available lang ang ATM withdrawals sa mga merong bank-issued card. Pwede mong i-contact ang bangko mo para mag-request ng card.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Hindi ako makapag-log in sa GCash account ko. Anong dapat kong gawin?
- Paano magbayad ng GLoan dues?
- Gusto kong gumamit ng GCash sa ibang phone o device
- Nasira ang phone ko kaya hindi ko mabuksan ang GCash. Anong dapat kong gawin?
- Nawala ang phone o SIM ko kung saan naka-register ang GCash account ko. Anong dapat kong gawin?
- Nag-uninstall/reinstall ako ng GCash o nag-reset ako ng aking registered phone