Hindi gumagana ang selfie scan sa GCash. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi gumagana ang selfie scan mo, posibleng dahil ito sa ilaw, hindi kita ang buong mukha mo, o hindi mo nasundan lahat ng in-app instructions. Ito ang ilang mga tips na pwedeng makatulong.
Do’s | Don’ts |
Humanap ng maliwanag na area: Mag-selfie sa maaliwalas na lugar. | Iwasan ang poor lighting: Iwasang mag-selfie sa madilim na lugar. |
Pumili ng simple na background: Mag-selfie sa may simpleng background. | Iwasan ang mga distractions: Siguraduhin na walang ibang tao, litrato, nakasisilaw na ilaw at iba pa sa likod mo. |
Ipakita ang buong mukha: Siguraduhin na kita ang buong mukha sa camera. | Huwag takpan ang mukha: Alisin ang mga salamin, face mask, at iba pang nakalagay sa mukha. |
Sundan ang instructions: Sundan at tignan nang mabuti ang mga prompts katulad ng mag-blink, lumayo, lumapit, at iba pa. | Huwag iignore ang instructions: Kumilos nang sang-ayon sa mga pinapagawa sa selfie instructions. |
I-update ang app: Siguraduhin na ang GCash app mo ay latest version. | Huwag gumamit ng hindi updated na app |
Maghintay bago subukan ulit: Kapag naka 5 na failed attempts ka na, kakailanganin mong maghintay ng 24 oras bago masubukan ulit. | Huwag ulit-ulitin nang magkakasunod: Pagkatapos ng 5 na failed attempts, maghintay muna ng 24 oras bago mo subukan ulit. |
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: