Paano mag-troubleshoot ng GCash App Issues?
Kung nakaranas ka ng issue o problema habang ginagamit mo ang GCash app, pwede mong subukan ang ilan sa mga sumusunod na troubleshooting steps:
Posibleng makaranas ng problema o blocked access sa mga latest features at security updates kung outdated ang app mo. Para maiwasan ito, tignan ang Play Store (Android), App Store (iOS), o App Gallery (Huawei) para sa updates.
I-enable ang Auto-Update para sa Future Updates:
Para masiguradong laging updated ang GCash app mo, sundan ang mga hakbang na ito:
Android/Huawei:
- Pumunta sa Play Store at i-tap ang Settings sa sidebar menu.
- Pindutin ang Auto-update apps at piliin ang preferred option:
- Over any network para ma-update ang apps gamit ang WiFi o mobile data.
- Over WiFi only para ma-update ang apps kapag naka-connect sa WiFi.
- I-tap ang Done.
iPhone:
- Pumunta sa Settings, pindutin ang App Store.
- I-click ang App Updates sa ilalim ng Automatic Downloads.
Kung makaranas ka ng network connection error, pwede mong subukan ang mga sumusunod para ayusin ang issue:
- Isara ang GCash app at tanggalin ito sa mga nakabukas na apps.
- I-turn on ang Airplane mode ng 30 seconds, pagkatapos ay i-turn off ito.
- Kumonekta sa ibang WiFi network at magbago ng network connection.
- Kung WiFi ang gamit, pwedeng mobile data muna ang gamitin, o kung naka-mobile data naman, pwedeng WiFi muna ang gamitin.
- Subukang buksan muli ang GCash app.
Sundan ang mga hakbang na ito para mapalitan ang mobile number sa GCash app:
- Buksan ang GCash app at pindutin ang ⇄ button (mga arrow katabi ng mobile number).
- I-tap ang Proceed to switch accounts.
- Ilagay ang GCash number at mag-log in gamit ang MPIN o biometrics.
Depende sa idevice mo kung paano mo pwedeng force close at i-restart ang GCash app:
Android:
- Pindutin ang Recent apps button.
- Hanapin ang GCash at i-swipe ito pagilid hanggang mawala ito para masara ng app.
iPhone:
- I-double-press ang Home button o mag-swipe up sa home screen.
- Hanapin ang GCash at i-swipe ito pataas hanggang mawala ito para masara ng app.
Para sa mga Android users, posibleng makatulong ang paglilinis ng app cache para maresolba ang mga isyu. Ito ang pwedeng gawin:
- Pumunta sa Settings, pagkatapos ay pumunta sa App Manager.
- Pindutin ang GCash > Internal Storage.
- I-tap ang Clear Cache.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: