Nakatanggap ako ng "Your device has modified phone settings" na error. Paano ako makakapag-log in?
Ang pagbabago ng settings tulad ng pag-install mula sa "Unknown Sources" at ang pagbukas ng "Developer Options" ay pwedeng magpababa ng security ng device mo at posibleng makaapekto ang GCash account at financial info mo.
Para mapanatiling safe at secure ang GCash transactions mo, siguraduhing naka-off ang mga settings na ito.
Paano i-disable ang installs mula sa Unknown Sources
Pwedeng ma-hack ang personal information mo dahil sa mga downloads at installations mula sa “Unknown Sources”.
Ito ang pwede mong gawin para ma-disable ang installations mula sa Unknown Sources:
- Pumunta sa phone Settings at hanapin ang “Unknown Sources/Apps” o “Untrusted Sources”. Depende ang location nito sa device brand at model
- Pindutin ang button na disable this setting para sa lahat ng apps.
- Kapag disabled na ito, i-turn off at i-restart ang GCash app.
Paano i-disable ang Developer Options
Pwedeng i-adjust ang operating system sa testing at applications gamit ang Developer Options. Available lang ang setting na ito sa Android devices.
Sundan ang mga steps na ito para i-turn off ang Developer Options:
- Pumunta sa phone Settings at hanapin ang Developer Options
- Pindutin ang button para i-disable ang Developer Options
- Kapag disabled na ito, i-turn off at i-restart ang GCash app.
Kung hindi applicable ang mga steps sa itaas, mas mabuting makipag-ugnayan sa accredited service provider ng mobile device mo para mapa-check ito.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: