May error akong natanggap - “Your device is jailbroken or rooted.” Paano ako makakapag-log in?
Madaming security risks na dala ang jailbroken o rooted devices kapag ginamit ang mga ito sa pag-access ng GCash app. Binago ang default security settings ng mga ganitong devices, kaya posibleng maging at risk ang personal information mo, katulad ng social media at financial access details.
Ito ang ilan sa mga paraan para malaman kung jailbroken ang device.
Para malaman kung rooted ang Android device mo, sundan ang mga steps na ito:
- Sa home screen, pindutin ang Settings
- Piliin ang About Phone
- Pindutin ang Status Information
- Kung ang nakalagay sa Status Information ay OFFICIAL, ibig sabihin ay hindi rooted ang device mo.
Kung hindi applicable ang mga steps sa itaas, mas mabuting makipag-ugnayan sa accredited service provider ng mobile device mo para mapa-check ito.
Sa home screen, i-search kung may third-party application para sa jailbreaking na nakalagay o naka-install sa device mo.
Kung hindi applicable ang mga steps sa itaas, mas mabuting makipag-ugnayan sa accredited service provider ng mobile device mo para mapa-check ito.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: