Paano ko makukuha ang pera ko na galing sa suspended na GCash Basic account?
Kapag hindi mo napa-verify ang GCash account mo sa loob ng 12 buwan pagkatapos mong nag-register, mare-restrict ito at magkakaroon ng monthly Basic Account Maintenance Fee. Para magamit mo pa rin yung natirang laman, pwede kang gumawa ng panibagong account o mag-verify ng account na gamit mo ngayon.
Paalala:
Magsasara ang GCash account mo kapag umabot ng PHP 0 ang balance mo.Para maiwasan ito at masiguradong may access ka sa funds mo, sundan ang mga steps na ito para ma-verify ang bago o existing na GCash account mo.
- Siguraduhin na ang bago mong GCash account ay Fully Verified
- Posibleng umabot ng 3 araw ang verification.
- Maghanda ng isang valid ID na accepted for verification at selfie na may kasamang ID
- Kapag verified na ito, mag submit ng ticket para ma-retrieve ang funds mula sa dati mong GCash Account.
- Maghanda ng isang accepted valid ID at kumuha ng selfie habang hawak ito. Siguraduhin na ang impormasyon sa ID mo ay katulad ng nakalagay sa iyong GCash account.
- Mag-submit ng ticket para pansamantalang matanggal ang account suspension
Kapag natanggal na ang suspension, mag-log in sa iyong GCash para makumpleto ang verification sa loob ng 24 oras. Kapag hindi ito nagawa, magiging suspended ulit ang account mo.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: