May sumusubok na mag-register ng bagong phone sa GCash account ko. Anong dapat kong gawin?
Kung may sumusubok na mag-register ng ibang phone, panoorin ang video sa ibaba para alamin ang iba pang details:
Kung nakatanggap ng SMS na may OTP
Huwag pansinin ang OTP (One-Time PIN) na natanggap, at huwag itong ibahagi sa kahit kanino. Palitan kaagad ang MPIN mo para ma-secure ang GCash account.
Kung nakatanggap ka ng SMS tungkol sa phone registration verification
Kung nakatanggap ka ng SMS na may mensaheng "For your safety, we will verify your phone registration request to make sure it’s you" o "Congratulations, Account Secure ka na!", agad na mag-chat kay Gigi at i-type ang "report unknown phone." Ihanda ang mga sumusunod na dokumento:
- Isang (1) valid government ID
- Selfie mo na hawak ang valid ID
Ano mangyayari pagkatapos ko i-report ang unknown phone?
Isa sa mga customer service representatives namin ang gagawa ng review sa report mo. Maghintay lang ng reply sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Account Secure
- Gusto kong gumamit ng GCash sa ibang phone o device
- Nag-uninstall/reinstall ako ng GCash o nag-reset ako ng aking registered phone
- Nawala ang phone o SIM ko kung saan naka-register ang GCash account ko. Anong dapat kong gawin?
- Nasira ang phone ko kaya hindi ko mabuksan ang GCash. Anong dapat kong gawin?