Gusto kong gumamit ng GCash sa ibang phone o device
Pwede mo lang gamitin ang GCash sa isang phone. Kung gusto mo itong gamitin sa ibang phone o device, kailangan mo muna i-unregister ang nauna mong device bago mo ma-register ang bago mong device.
Kung nabubuksan mo pa din ang dating phone, sundan ang mga steps na ito para i-unregister ito:
- Buksan ang GCash app
- Pumunta sa Profile > Settings
- Pindutin ang Account Secure > Unregister Phone
- Tignan ang mga detalye at pindutin ang Yes, Unregister para mag-confirm
- Tapusin ang process gamit ang pagkuha ng selfie scan o paglagay ng OTP (One-Time PIN)
Pagkatapos nito, makikita ang confirmation page at makakatanggap ka ng SMS para i-confirm na unregistered na ang dating phone sa GCash account.
Para ma-register ang bagong phone sa GCash, mag-log in sa bagong phone at pindutin ang I want to register this phone.
Sundan ang mga hakbang para ma-verify ang iyong identity. Pagkatapos ng selfie scan o OTP (One-Time PIN), makikita mo ang page na magsasabing registered na ang bago mong phone.
Kung wala kang access sa dati mong phone o device, pwede ka pa rin makapag-log in sa bagong phone. Ito ang pwedeng gawin:
- May makikita kang screen na may nakalagay na, "It looks like you changed your phone" katulad ng litrato sa baba
- Pindutin ang I want to register this phone.
- Mag-selfie scan o ilagay ang OTP (One-Time PIN)
- Maghintay ng 4 oras habang sinisigurado ng GCash na sa iyo ang account na gusto mong buksan.
- Pagkalipas ng 4 oras, pwede ka nang mag-log in sa GCash sa bago mong phone ayon sa oras na nakalagay sa screen.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Account Secure
- Nag-uninstall/reinstall ako ng GCash o nag-reset ako ng aking registered phone
- Nawala ang phone o SIM ko kung saan naka-register ang GCash account ko. Anong dapat kong gawin?
- Nasira ang phone ko kaya hindi ko mabuksan ang GCash. Anong dapat kong gawin?
- May sumusubok mag-unlink ng GCash account ko o mag-register ng phone nila