Paano mag-Scan to Order sa GCash?
Gamit ang Scan to Order, pwede mong makita ang menu, mag-customize ng order, at magbayad—lahat sa loob ng GCash app. I-scan lang ang QR code sa mga piling partner establishments. Ang Scan to Order ay powered by Tablevibe.
Sino ang pwedeng gumamit?
- Dapat isa kang Fully Verified GCash user.
Paano mag-access?
- Hanapin ang GCash-branded QR code sa restaurant (sa tables, counters, o doors).
- Gamitin ang camera ng phone o ang camera sa GCash app para i-scan ang QR code.
- Mapupunta ka sa Tablevibe mini-program ng GCash
- Kailangang i-link ng mga first-time users ang GCash account nila sa Tablevibe mini-program. Kapag na-link na, pwede nang tingnan ang menu, mag-order, at magbayad.
Paano mag-order?
- Piliin ang mga item sa menu.
- I-customize ang iyong order (hal. magdagdag ng toppings) at ilagay ito sa basket.
- I-review ang order.
- Ilagay ang table number (para sa dine-in) o piliin ang pickup.
- I-tap ang See promos and discounts at i-apply ang promo codes o tips (automatic ang pag-apply nito kung valid)
- Magbayad direkta sa Tablevibe mini-program—hindi mo na kailangang lumabas.
Paano mag-track ng order?
Pagkatapos magbayad, pwede mong i-track ang order sa pamamagitan ng:
- Pag-scan muli ng QR code para ma-redirect sa order tracking page, o
- Pag-scan ng QR code at pagpili sa order transaction icon sa Tablevibe menu homepage.
- Makakatanggap ka ng updates tungkol sa status ng order sa pamamagitan ng push notifications o SMS mula sa Tablevibe.
Makakatanggap ba ako ng refund kung ma-cancel ang order?Pwede ba mag-refund o cancel ng order?
Kung ma-cancel ang order, makakatanggap ka ng message mula sa GCash push notifications at SMS. Ang refund ay ipapadala sa GCash wallet mo sa loob ng 2 business days.
Pwede ka agad maglagay ng bagong order, kahit sa parehong restaurant.
Need more Help?
Para sa anumang problema sa pag-order o pag-track ng order, makipag-ugnayan sa staff ng restaurant.