Paano mag-withdraw ng cash gamit ang GCash VISA/Mastercard Card ko?
Para mag-withdraw gamit ang GCash Card, sundan ang mga steps dito:
Bago mag-withdraw, siguraduhin na may sapat na balance ang GCash wallet para sa amount na gustong i-withdraw at para sa ATM withdrawal fee.
- Ipasok ang GCash Card sa BancNet ATM,
- Ilagay ang 6-digit ATM PIN (ito din ang PIN na naka-set sa GCash Card mo)
- Pumili ng withdrawal amount
Withdrawal Limits:
- Single Withdrawal Limit: Ang maximum amount ay PHP 20,099 kada transaction
- Daily Withdrawal Limit: Ang maximum amount ay PHP 40,099 kada araw
Paalala:
Ang pag-reset ng withdrawal limit ay araw-araw ng 12:30 AM. Halimbawa, kung naabot mo na ang limit ng 11:00 PM, pwede ka mag-withdraw ulit ng 12:30 AM.
ATM Fees:
ATM transaction fees ay set ng ATM provider. Tignan lagi ang ATM screen para sa exact fees bago tumuloy. Ito ang mga BSP-approved rates:
- Withdrawal Fee: PHP 10 - PHP 18
- Balance Inquiry Fee: PHP 0 - PHP 2.50
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano magbayad gamit ang GCash Card?
- Magkano ang fees at transaction limits para sa GCash Card?
- Hindi naglabas ng pera ang ATM pagkatapos kong mag-withdraw gamit ang GCash Card
- Hindi ako makapag-withdraw gamit ang GCash Card. Anong dapat kong gawin?
- Na-stuck ang GCash Card ko sa ATM. Anong dapat kong gawin?