Paano mag-activate ng AMEX Virtual Pay Card sa GCash?
Ang American Express (AMEX) Virtual Pay ay isang FREE virtual prepaid card na naka-link sa GCash account. Available ito sa Fully Verified users na may active email at pwedeng gamitin sa pagbili online locally and internationally na may daily limits na hanggang PHP 40,000 at monthly limits ng hanggang PHP 100,000.
Paano mag-activate ng AMEX Virtual Pay Card:
- Sa GCash app, i-tap ang Profile
- Piliin ang My Linked Accounts
- Pindutin ang American Express Virtual Pay
- Ilagay ang email address at hintayin ang SMS para i-confirm ang registration.
- Para sa mga existing AMEX Virtual Pay holders, i-tap ang Get New Code
- Sa SMS ipapadala ang security code/CVV. I-save at mag-take note ang code na ito para sa future payments.
Kung successful ang pag-activate ng card pero hindi mo ito ma-access sa GCash app, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: