GScore
Ang GScore ay nagpapakita kung gaano ka ka-active sa paggamit ng mga products at features ng GCash.
Paalala:
Ang GScore mo ay unique sa iyong mobile number at hindi ito nalilipat. Ang mga activities ng bago mong SIM ang magiging basis para sa current GScore mo.
Paano kinocompute ang GScore?
Ang GScore ay base sa iba’t ibang aktibidad mo sa GCash, katulad ng pag-maintain ng active wallet balance, pagbayad ng mga bills, at paggamit ng GSave, GInvest, at GInsure. Regular ang pag-update ng system sa iyong GScore base sa mga recent na activities mo, at makikita mo ito sa iyong GCash app.
Kung nakapag-avail ka dati ng GCredit, GGives, o GLoan, pero hindi na ito available, ito ay dahil may mga policies o scoring metrics na posibleng hindi mo na-meet para mag-qualify ulit. Ang bawat product ay may sari-sariling policies na sinusunod.
Paano pataasin ang GScore?
Para mapataas ang GScore mo, ipagpatuloy ang paggamit sa GCash tulad ng mga sumusunod:
- I-verify ang account. May access ang mga Fully Verified users sa iba’t ibang services sa GCash app. Kailangan mo lang ay isang Valid ID (hindi expired) at selfie
- Mag-cash in regularly. Mag-maintain ng healthy wallet balance at lagyan lagi ng funds ang iyong GCash account sa pamamagitan ng pag-cash in lagi. Alamin ang iba’t ibang paraan kung paano ka pwedeng mag-Cash In
- Gamitin ang GCash para sa mga transactions: Gamitin ang GCash services katulad ng Scan to Pay, Load, Pay Online, Pay Bills, atbp.
- Mag-invest sa GInvest regularly: Palaguin ang pera mo sa halagang kasing baba ng PHP 50. Palaguin ang pera mo sa halagang kasing baba ng PHP 50 at makakuha ng access sa mga produkto ng mga most trusted investment companies sa bansa. Alamin ang iba’t ibang GInvest products dito
- Mag-deposit sa GSave regularly: Palaguin ang savings nang mas mabilis at makakuha ng mataas na interest rate sa kahit anong amount na ilalagay mo. Alamin ang iba’t ibang GSave products dito
- Bumili ng GInsure Products: Ang GInsure ay isang one-stop shop para sa lahat ng mga kailangan mo pang-insurance. Dito makakakita ka ng iba’t ibang products katulad ng life, health, car, at iba pa galing sa iba’t ibang partners namin para sa iba’t iba mong pangangailangan. Alamin ang iba’t ibang GInsure products dito
Para sa mga active na GCredit, GGives, at GLoan users:
- Bayaran ang GCredit, GLoan, at/o GGives nang maaga o on time: Ang hindi pagbayad on time ay maaaring magdulot ng hindi mo pagiging eligible sa ibang mga susunod na credit transactions hanggang hindi mo pa nababayaran ang total amount due mo
- I-maximize ang iyong Credit Line: Gastusin hanggang sa kaya ng iyong GCredit limit
Saan makikita ang GScore
Para makita ang iyong GScore, pumunta sa iyong GCash App at pindutin ang Profile > GScore.
Need more help?
Kung may iba pang concerns sa GScore, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.