May nag-transfer ng pera sa bank ko gamit ang GCash nila, pero hindi ko ito natanggap. Anong dapat kong gawin?
Kung may nag-transfer ng pera mula sa GCash papunta sa local bank o e-wallet mo at hindi mo pa natanggap ito, ganito ang pwede mong gawin. Ang mga local banks na kasama rito ay BPI, Unionbank, BDO, Metrobank, atbp.
Instant naman ang bank transfers mula GCash papunta sa banko o ibang e-wallets gamit ang Instapay. Minsan nagkakaroon ng delays dahil sa system timeouts o scheduled/unscheduled maintenance. Kapag may problema sa bank transfer, makakatanggap ng SMS ang sender na nagpapaliwanag na ang pera ay:
- Ibabalik sa GCash Wallet nila within 1-2 business days, o
- Ibibigay sa bank account mo within 3-5 business days.
Hindi kasama ang weekends at holidays sa bilang ng business days, dahil sinusunod natin ang operating schedule ng banko.
Kung mag-fail ang transfer, ibabalik ang buong amount kasama ang transfer fee sa GCash wallet ng sender. Nakikipag-coordinate ang GCash sa mga bangko para ma-identify ang mga failed transactions at makasigurong mabilis na maibalik ang pondo.
Pwede mong i-monitor ang account mo (bank o e-wallet) sa loob ng susunod na 2 araw para kumpirmahin kung natuloy ang transfer.
Kung wala pa rin ang pera after 2 araw, kausapin ang sender na icontact ang GCash. Sundin ang mga sumusunod:
- Mag-log in sa GCash app nila I-tap ang Transactions
- Hanapin at i-tap ang transaction
- I-tap ang Need Help
- Piliin ang I didn’t receive the money
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- May nagpadala ng pera sa GCash account ko mula sa GCash nila pero wala akong natanggap. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ko natanggap ang cash in ko sa GCash wallet. Anong dapat kong gawin?
- Nag-deposit ako sa GSave account ko pero wala pa akong natatanggap sa account ko. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ako makapag-transfer sa ibang bank gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?