Bakit ako nakatanggap ng notification na dapat daw akong mag-update ng GCash account information ko?
Kung nakatanggap ka ng notification mula sa GCash para i-update ang account mo, ito ay dahil matagal na mula noong huli mong na-verify ang account mo.
Itinakda ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang regular na pag-update ng impormasyon ng Fully Verified users para manatili ang full access sa lahat ng GCash features.
I-update ang account information mo bago ang deadline para hindi ma-downgrade sa Basic GCash account.
Ito ang mga steps para mag-update ng GCash account information
- Buksan ang GCash app, i-tap ang Profile, at pindutin ang pangalan mo
- Pindutin ang Update Account Information > Update your Profile
- Ilagay ang 6-digit code sent sa GCash number mo, at i-tap ang Next
- Ilagay ang mga kailangan na information at tapusin ang verification
- I-submit ang update
Makakatanggap ka ng SMS kapag updated na ang profile mo. Pwedeng umabot ng hanggang 3 araw ang proseso na ito.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: