Paano mag-activate ng eSIM pagkatapos bumili sa GCash?
Pwede kang mag-activate ng eSIM mula sa GCash, sundan lang ang steps sa ibaba:
Paano i-set up ang local eSIM (SMART or TNT)
Pagkatapos bumili ng local eSIM mula sa GCash, makakakuha ka ng special code via SMS. Pumunta sa web browser at i-type ang reglink.me/(code)
Example: "https://reglink.me/123yu8h62najs"
Paano i-set up ang international eSIM
Pagkatapos bumili ng international eSIM sa GCash, makakuha ka ng instructions via SMS kagaya nito:
“To Add eSIM: Cellular > Add eSIM > Use QR code > Enter details manually SM-DP+: smdp.io Activation Code: K2-1ZC8YR-Z5KX11 Visit GCash Help Center for more details.”
Paano i-set up ang eSIM manually (Android/iOS)
1. Sa Android homepage, pindutin ang Settings > Connections
2. Piliin ang SIM Manager
3. Pindutin ang Add eSIM >Scan QR Code
4. Piliin ang Enter Activation Code
5. Ilagay ang Activation Code na pinadala via SMS
Paalala: Siguraduhin na ang Mobile Data ay naka-set sa eSIM via SIM Manager
1. Sa Apple homepage, pindutin ang Settings > Cellular
2. Piliin ang Add eSIM
3. Pindutin ang Use QR Code > Ilagay ang Details Manually
4. Ilagay ang SM-DP+ at Activation Code na pinadala via SMS
Kapag natapos na, siguraduhin na eSIM ang ginagamit sa “Cellular Data.”
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles: