Nag-transfer ako ng pera mula sa GCash account papunta sa ibang bank o e-wallet pero hindi ito natanggap. Anong dapat kong gawin?
Kung nag-transfer ka ng pera mula GCash papuntang local bank o ibang e-wallet at hindi mo natanggap ang pera, ito ang mga dapat mong gawin. Kasama sa local banks ang BPI, Unionbank, BDO, Metrobank, at iba pa.
- Para naman sa mga transfers na galing sa iyong Bank App or E-Wallet papuntang GCash wallet, tignan ang Cash In article.
- Para sa transfer or withdrawal mula sa iyong GSave account papuntang GCash wallet, paki-check ang GSave article.
- Para naman sa mga transactions through Scan to Pay gamit ang merchant's QR code, paki-check ang Scan to Pay article.
Ang mga bank transfers mula GCash papuntang bank at ibang e-wallets ay nai-pro-process agad through Instapay. Pero minsan, nagkakaroon ng delays dahil sa system timeouts o scheduled/unscheduled maintenance.
Kung may problema sa bank transfer mo, makakatanggap ka ng SMS na nagsasabing:
- Maibabalik ang pera sa GCash Wallet mo within 1-2 business days, o
- Makikredit ito sa bank account ng receiver within 3-5 business days.
Hindi kasama ang weekends o holidays sa business days dahil sumusunod tayo sa operating schedule ng mga bangko..
Kung nag-fail ang transfer, mababalik ang buong amount kasama ang transfer fee sa GCash wallet mo. Isang paraan para malaman kung nag-fail ito ay kapag hindi nakita ang transaction sa receiving bank/e-wallet’s app. Ang GCash ay nakikipagtulungan sa mga bangko upang matukoy ang mga failed transactions at masiguro ang mabilis na pag credit ng funds.
I-monitor lang ang iyong GCash account at ang receiving bank o e-wallet kung na-kredit na ang pera. Kung hindi pa rin bumalik ang pera after 2 business days, kontakin ang GCash sa mga sumusunod na steps:
- Mag-login sa GCash app
- I-tap ang Transactions
- Hanapin at i-tap ang transaction
- I-tap ang Need Help?
- Piliin ang I didn’t receive the money
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Nagpadala ako ng pera galing sa GCash ko papunta sa ibang GCash account, pero hindi daw ito natanggap ng recipient. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ko natanggap ang cash in ko sa GCash wallet. Anong dapat kong gawin?
- May nag-transfer ng pera sa bank ko gamit ang GCash nila, pero hindi ko ito natanggap. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ako makapag-transfer sa ibang bank gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?
- Nag-deposit ako sa GSave account ako pero wala pa akong natatanggap sa account ko. Anong pwede kong gawin?