Fully Verified ako, bakit na-downgrade sa Basic ang GCash account ko?
Ang GCash account mo ay posibleng na-downgrade dahil kailangan mo pang i-update ang account information mo.
Ayon sa regulasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, lahat ng Fully Verified GCash users ay kailangang regular na mag-update ng kanilang account information sa GCash app.
Makakatanggap ka ng notifications sa GCash app at SMS na kailangan mong mag-update ng iyong account bago ang deadline.
Paano i-update ang account information
- Sa GCash app, i-click ang Profile at ang pangalan mo
- Pindutin ang Update Account Information > Get Started
- Sundin at kumpletuhin ang proseso
Ano mangyayari kung hindi mo na-update ang account bago ang deadline?
Kapag hindi mo na-update ang account information mo bago ang binigay na deadline, ang iyong Fully Verified GCash account ay magiging Basic na lang. Kailangan mong ulitin ang pag-verify ng GCash account mo. Huwag mag-alala dahil safe pa rin ang pera mo. Kung may balanse ka sa GGives, GCredit, o GLoan, pwede kang magbayad sa aming offline payment partners.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Paano mag-update ng account information sa GCash?
- Bakit ako nakatanggap ng notification na dapat daw akong mag-update ng GCash account information ko?
- Mga GCash features para sa Basic vs. Fully Verified accounts
- Anong mangyayari kung hindi Fully Verified ang GCash account ko?
- Gusto kong mag-transact offline gamit ang GCash. Anong dapat kong gawin?