May problema sa Online Payment transaction ko via GCash. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi tama ang details na nilagay mo during an online payment o hindi na-fulfill ang order/transaction (hal. walang delivery o service na provided), o kung hindi ka satisfied, i-contact ang merchant directly para sa assistance.
Pwede kang i-assist directly ng merchants sa refunds, updates sa order, o para i-clarify ang mga transaction details.
Kung meron ka pang ibang mga issues sa online payment mo, piliin ang sitwasyon sa ilalim para humingi ng tulong:
- Nabawasan ang GCash wallet mo, pero pending pa ang transaction sa merchant
- Dalawa o maraming beses kang na-charge para sa isang transaction
- May online payment transaction sa GCash history na hindi mo alam at gusto mong i-cancel ang subscription o i-unlink ang GCash mo
- Nag-confirm ang merchant na may refund ka, pero hindi ito nag-reflect sa GCash wallet mo
Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Kapag na-submit mo na ang concern, hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Declined ang Pay Online transaction ko sa GCash. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ko alam o kilala ang Pay Online transaction o subscription sa GCash ko. Anong dapat kong gawin?
- Paano magbayad online gamit ang GCash?
- Paano mag-link ng GCash bilang payment method sa ibang apps?
- Paulit-ulit akong na-charge pagkatapos kong gumamit ng Scan to Pay QR. Anong dapat kong gawin?