Hindi ako makapag-send o makapag-receive ng crypto sa GCrypto. Anong dapat kong gawin?
Kung may error kang na-encounter habang sending o receiving ka ng crypto sa GCrypto, posibleng dahil ito sa mga sumusunod::
-
Maling Wallet Details
Siguraduhin na tama ang recipient’s wallet address at ang blockchain network ay tugma sa cryptocurrency na gusto mong i-transfer. -
Walang Destination Tags
May ilang cryptocurrencies na required ang destination tag o memo. Kung hindi ito maibigay, posibleng mag-fail o ma-delay ang transaction. -
Network Congestion
Kapag mataas ang activity sa blockchain network, pwedeng bumagal ang processing ng transactions. -
Insufficient Funds o Fees
Siguraduhin na may sapat kang balance, kasama ang fees, para makumpleto ang transaction. -
Na-disable ang account
Para sa security mo, ang GCrypto account mo ay disabled sa pag-send ng crypto kapag mali ang nilagay ang OTP (One-Time PIN) mula sa email address mo nang 5 beses. Kung na-disable ang account mo, hintayin ang 24 oras bago makapag-send ulit ng crypto.
Mga pwedeng gawin kung hindi makapag-send o makapag-receive ng crypto sa GCrypto:
- I-verify ang transaction details, kasama ang wallet address, network, at any required tags
- I-check ang status ng transaction sa blockchain gamit ang transaction hash o ID
- Hintayin ang ilang oras bago subukan ulit kung mabagal ang network
Kung hindi mo pa rin ma-send o ma-receive ang crypto, click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Hindi ako makapag-buy o sell sa GCrypto. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ko na-receive ang verification code para sa GCrypto order ko. Anong dapat kong gawin?
- Nag-top up ako sa GCrypto Wallet ko pero hindi pa ito nag-reflect. Anong dapat kong gawin?
- Ano ang mga GCrypto Networks at Fees na dapat kong malaman?