Hindi ko na-receive ang verification code para sa GCrypto order ko. Anong dapat kong gawin?
Kung hindi mo natanggap ang verification code sa GCrypto, sundan ang mga steps na ito:
-
Tignan kung tama ang email address
Siguraduhin na ang tinitingnan mo ay ang email address na registered sa GCash at GCrypto. -
Tignan ang spam o junk folders
Kung wala sa inbox mo ang verification code, i-check ang spam o junk folder. -
Idagdag ang sender sa safe sender list
Para masiguradong matatanggap mo ang emails, i-add ang donotreply@pdax.ph sa safe sender list. Sundan ang steps na ito:
-
- Sa Gmail app, pindutin ang gear/settings icon sa upper right corner at piliin ang See all settings
- Pumunta sa "Filters and Blocked Addresses" tab sa taas ng settings page
- Pindutin ang Create a new filter
- Sa "From" field, ilagay ang email address na gusto mong idagdag sa safe senders list at piliin ang Create Filter
- Pindutin ang Never send it to Spam > Create Filter
Mag-ingat sa pag-enter ng OTP (One-Time PIN). Kapag nagkamali ka nang 6 na beses, ang GCrypto account mo ay posibleng maging locked sa loob ng 24 oras.
Kung hindi mo pa rin natatanggap ang verification code o OTP (One-Time PIN), click here to ask for help. Huwag kalimutan ilagay ang iyong GCash-registered email para makatanggap ng updates. Hintayin ang pag-contact sayo ng GCash customer service representative sa loob ng 24 oras.
Need more Help?
Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang mga sumusunod na articles:
- Hindi ako makapagbukas ng account sa GCrypto. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ko mabuksan ang GCrypto account ko. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ako makapag-buy o sell sa GCrypto. Anong dapat kong gawin?
- Hindi ako makapag-send o makapag-receive ng crypto sa GCrypto. Anong dapat kong gawin?
- Nag-top up ako sa GCrypto Wallet ko pero hindi pa ito nag-reflect. Anong dapat kong gawin?